Love for John Lawrence A. Rogacion
- from your asawa John Rayed Capuyan
"Hi, po, my love! hindi ko po alam kung saan magsisimula, pero gusto ko muna sabihin sa'yo na: i'm really, really sorry po. alam kong hindi lahat nakukuha sa "sorry" ang lahat para maging maayos at mapatawad po ang isang tao. gusto ko lang po sana mag-sorry para po maging maayos po ulit tayo, alam ko pong nasaktan ko po ikaw, na-sad, na dismaya po?, o baka na-feel mo pong pagod kana saakin?
kaya gusto ko pong gamitin ang pagkakataon ko po na ito para humingi po ng tawad mula sa inyo upang tayo po ay tuluyang magka-ayos at walang bahid sa puso natin para sa isa't-isa.
alam ko pong may nagawa at nasabi po akong hindi maganda. nagawa ko po yun dahil nasa isip ko po ay parang maliit lang naman iyon at baka hindi ka magalit, pero ngayon na-realize ko po na kahit maliit man po ito para saakin, hindi ko po naisip na kung maliit lang din po ito para sa inyo. i'm sorry po dahil hindi ko naisip po ang feelings na mararamdaman mo po sa actions ko na yun. hindi ko naisip nang mabuti kung paano makakaapekto sa’yo ang mga ginagawa at sinasabi ko. i'm sorry po kung minsan nararamdaman mo po na hindi kita naiintindihan, hindi kita pinapakinggan, o parang hindi binibigyan ng halaga ang iyong nararamdaman po.
Hindi ko po gustong gumawa ng anumang excuses o dahilan para po napatawad mo po ako. Ayokong sabihin na “biro lang po yun” para lang takasan ang pagkakamali ko. Kung may mali ako, gusto kong tanggapin iyon ng walang halong kahit anong panloloko. Nagkamali ako, at responsibilidad ko po na ayusin kung ano ang sinimulan kong problema.
I’m sorry kung naparamdam ko po sa’yo na kailangan mong mag-overthink tungkol sa akin kung may iba na ba akong nakakausap o what. i'm sorry kung minsan may pagkakataon na naiisip mo po na baka hindi ka po mahalaga saakin. hindi mo po deserves ang mga ganyan na gawain po, love. kaya sorry po, ha.
lalo po na LDR po ang meron tayo alam ko pong mahirap kapag nagkaroon tayo ng away at hindi pagkakaintindihan kaya dapat mas better na maging maayos lang ang ating relasyon nang walang anumang problem na gagawin natin. hindi ko rin po kasi kayang puntahan ka basta-basta kapag nalulungkot ka, kaya hirap po akong patahanin ka. pero sana po ay napapangiti kita sa bawat assurance ko na ibinibigay po sa inyo, sana happy ka po sa kung ano ang meron muna tayo ngayon. kaya alam ko pong mas important po talaga ang pagkakaroon natin ng communication sa isa't-isa, maging honest, magkaroon ng patience at pagiging open-up natin kapag may nagawang pagkakamali o kapag may na-feel pong awkward at parang nakaka-off yung topic o sinabi po.
gusto ko po na malaman mo po na sincere po ako parati sa iyo. lalo na po sa mga sinasabi ko po sainyo, walang halong igit at panloloko.
Hindi po ako nagsosorry dahil lang sa natatakot po akong mawala ka lang(pero aaminin ko pong matatakot ako hehe) nagsosorry po ako dahil naiintindihan ko pong may pagkakamali akong ginawa po sa inyo kaya po kayo ay may karapatang magalit, at ma-sad.
paulit-ulit ko pong sasabihin po saiyo na mahal na mahal po kita, iniirog kita. kaya iloveyousosososomuchh po!!
kung sasabihin ko po na babawi po ako, gusto ko po na makita mo po iyon sa actions ko, hindi lang sa mga pinagsasabi ko.
i promise i will do better po sa susunod na araw.
i'm sorry kung naf-feel mong ikaw lang ang may interest sa relationship na meron tayo. hindi po yan totoo hehe. mahal na mahal nga po kita higit kanino man. mwuahps!
And if you are still hurt right now, I understand po. "because loving someone isn't only about being there during the happy moments."
thank you, love, dahil pinaparamdam mo saakin na mahalaga po ako sa buhay ninyo at willing ka pong mag risk para sa kung ano ang meron tayo 🥺
kaya once again, I'M SO SORRY PO!!!!
YOU DESERVVE MORE ASSURANCE.
YOU DESERVE MORE LOVE.
YOU DESERVE MO HONESTY.
I PROMISE I'LL DO BETTER.
I’m really sorry, love.
I care about you.
I appreciate you.
And I will do my best to show you that my love's is not below to belt.
MAHAL NA MAHAL KITA, ASAWA KO!!
from your asawa, love, baby, babe o anumang tawag mo saakin at alam kung nagkamali at kayang i-admit ang pagkakamali nya. and genuinely want to be better for his asawa. 💌💯😘"